BABY

image

Sorry nag away na naman tayo, pasensya ka na rin sakin kasi masyado akong kj at demanding. Pasensya na kung paminsan minsan ay nagagalit o nag tataas na naman ako ng boses. Pero sana maintindihan mo na kaya ko naman yun nagagawa e dahil sa sobrang pag mamahal ko sayo, at gusto ko rin malaman mo na hindi ako bibitaw kahit anong grabe ng away natin. Hindi man ako yung perfect boyfriend na hindi ka nasasaktan ako naman yung best boyfriend na gagawin ang lahat para sayo para mapasaya ka sa tuwing nasasaktan ka ako yung boyfriend na pupunasan ang luha mo at papalitan ng ngiti yang mga luha sa mata mo, ako yung boyfriend na kahit masaktan mo umaasa pa rin ako na magiging maayos tayo at lalong iba rin ako sa mga lalakeng nakilala mo kasi ako yung taong nag mamahal sayo ng tapat kahit na minsan sumasablay din ako at nasasaktan kita, nakaka sigurado ka naman na ang puso at isip ko ay sayo lang. wala na akong hahanapin pang ibang babaeng mamahalin kasi halos nasayo na lahat ng pangarap ko sa isang babae. Yung maganda, yung mag titiis sa ugali ko kahit gaano ako ka sungit, yung handang gawin ang lahat para sa akin. Yung masunurin na girlfriend at higit sa lahat yung mahal na mahal ako hindi lang dahil sa pogi ako hahaha joke. Baby nag papasalamat ako sayo kasi sinusunod mo ako at minamahal ng tapat. Sa mga yun pa lang wala na akong dahilan para humanap pa ng iba at tsaka kontento na ako sayo hihihi kasi mahal na mahal kita ♥

image

Alam ko madalas tayo mag kasakitan, madalas kita masaktan at ganun ka rin naman sa akin. Madalas tayo nakaka pag bitaw ng mga masasakit na salita kapag galit tayo, pero sana kahit ganun hindi mo talaga sana yun gusto sabihin. Baby sayo ko lang ipinag kakatiwala ang puso ko ng buong buo kaya nasasayo na lang yun kung aalagaan mo o dudurugin. Pero ganun pa man umaasa ako na aalagaan mo ako, aalagaan sa tuwing nasasaktan mo, lalambingin sa tuwing nag tatampo, isang pangako na di na mauulit sa tuwing may nagawa ka na di ko nagustuhan at sasabihin mo na.. "okay ka na ba baby? mahal na mahal kita" gusto ko lang naman malaman na, na kahit nasasaktan kita o nasasaktan mo ako ay mahal mo pa rin ako at walang nag babago. Sobrang mahalaga kasi sakin lahat ng mga salitang binibitawan mo. Kapag nag susungit ka nasasaktan ako pero kapag nilalambing mo naman ako ay nagiging okay din ako agad. Kapag nag aaway tayo isang salita lang na ayos na tayo at isang dinig ko lang sa boses mo na masaya ka na ulit at di ka na galit okay na ako. Kaya pasensya na kung minsan masungit ako at hindi kita tinitigilan hanggang hindi tayo nag kakaayos at hanggang hindi ko naririnig yung malambing mong boses.

Sana hindi dumating yung panahon na mag sawa ka sakin at sa ugali ko katulad ng mga dumaang tao sa buhay ko na iniwan din ako. Sobrang halaga mo sakin at ayaw kita mawala kaya sana naalagaan kita ng maayos at napapakilig. Alam ko naranasan mo at naranasan ko na rin na maiwan. Kaya hindi ko hahayaan na mangyari sayo yun at kaya kita minamahal ng sobra at ginagawa ang lahat para sayo kasi gusto ko na masuklian mo rin ang pag mamahal ko at mag stay ka kahit anong mangyari, siguro kung dumating ang panahon na ayaw mo na sakin. Gusto ko sabihin mo sakin agad. Handa akong ipag palit ang mga ngiti ko para sa kasayahan mo. Pero sana hindi yun mangyari kasi tina-try ko naman yung best ko para maging perfect or kung hindi perfect almost perfect or super best boyfriend para sayo para wag ka lang mawala. 

Sana kahit anong mangyari tayo pa rin sana kahit may mga panahon na naiisip mo na mag sawa sana maisip mo rin na ako lang yung lalake na kayang mag mahal ng ganitong ka tindi at sana kung dumating din yung time na yun, maalala mo yung magagandang memories na meron tayo nung mga sandali na kasama mo ako yung mga magagandang alala lang, hindi lang puro sakit at sana isipin mo na may isang kenneth na nag mamahal sayo ng tapat at hindi ka iiwan.

image

Gusto ko lang malaman mo na kahit na nag kakasakitan tayo minsan ay masaya pa rin ako sayo kasi mahal na mahal kita. lalo na pag mag kasama tayo, alam mo ba palagi kong dinadasal na sana minsan na lang tayo mag away, kahit na lang nag tatampo ka araw araw basta nasusuyo kita ng hindi ka nag tataas ng boses at di tayo nag aaway pero imposible yun na hindi tayo mag away kasi mahal natin ang isat isa. Ang dinadasal ko lang naman ay yung sana kung mag aaway tayo ay mag kasama tayo, para nakikita kita at nalalaman mo kung gaano ako nag sosorry at kung okay ka na ba talaga or kung ako naman ang nasasaktan mo isang hug mo lang at isang sabi mo lang na pinatawad mo ako at mahal na mahal mo ako ay magiging maayos na agad ang lahat.

May mga panahon man tayong hindi mag kasama, ipinag papasalamat ko sa diyos ang bawat araw na dumadaan, kasama man kita o hindi kasi mahal mo ako sa kabila ng mga depekto ko at lalo kong ipinag papasalamat yung mga panahon na kasama kita

image

Ikaw ang hiniling kong makasama at piniling mahalin at natutuwa naman ako na ganun ka rin naman sakin. Nag papasalamat talaga ako kasi mukhang nakita ko na yung taong mag mamahal talaga sakin ng tapat yung bang kayang tiisin ang lahat, yung kahit ang hirap kong pakisamahan e nagagawa pa rin nya ako mahalin. Salamat baby sana hindi lang yan ngayon at sana hindi ka mag bago. Sana kung ano man problema na meron tayo ay pinag uusapan natin at naayos natin at sana rin masunurin ka pa rin at sana rin iwasan mo yung mga taong pinag seselosan ko katulad ng dati kasi kagaya mo nasasaktan din ako.

Baby hindi ko na mabilang lahat ng masasayang araw na mag kasama tayo pero nasisigurado ko sayo na sa mga araw na kasama kita natatandaan ko yun at labis mo akong napasaya.

Salamat ulit kasi may girlfriend ako na masunurin kahit topakin, understanding kapag ako na yung galit at higit sa lahat mahal ako kahit may toyo ako kaya sana parang flag ka na lang ng pilipinas hindi nag babago. at humanda ka dahil summer na talaga baby! ihanda mo na salbabida mo dahil baka malunod ka sa pag mamahal ko hihihi at wag ka mag alala sa pag kain mo dahil may baon akong keso, busog ka na kinikilig ka pa at wag ka rin mag alala kung maiihi ka sa sobrang kilig dahil may baon akong diaper na pampers kasi hindi ka pang 2nd o pang 3rd dahil wala ng iba dito sa puso ko ikaw lang ang pampers sa puso ko at kung sakali naman na mabusog ka at tumaba sa sobrang busog mo sa pag mamahal mo wag ka mag alala mamahalin pa rin kita kahit kasing taba mo na si santa at kung sakali naman na makalimot ka please lang alalahanin mo gusto mo pa bang umabot sa punto na hahampasin pa kita ng keyboard para lang malaman mong type kita? hihihi pero wag kang maging masyadong kampante hindi dahil mahal na mahal kita ngayon ay mahal na mahal pa rin kita bukas malay mo mas mahal na mahal na pala pero ano pang silbi ng pagiging tao mo kung sa simpleng pag tabi ko sayo e nagiging bagay tayo pero bago matapos ang aking sulat para sayo gusto ko lang itanong kung pwede ka bang maging girlfriend till the end of time?

Mahal na mahal kita charlene pega ng buhay ko. Akin ka lang ha? At wag kang mag babago sasapatusin talaga kita hahaha :P Kiss ko sa saturday ha? hihihihi i love you so much ulit ♥